Tuesday, April 8, 2008

ang tula ni bear1 kay bear2



“Ang makitang nahihirapan ka ay kasiyahan ko”


Ito ang wika sa akin ng kaibigan kong oso


Di ko alam kung biro lang ito


Ang mahalaga sa akin, sya’y nagpakatotoo





Kahit ako’y mapagod ay aking gagawin


Ang paglingkuran sya kahit ako’y hingalin


Ang kaligayahan nya’y kaligayahan ko rin


Pagkat kaibigang tunay sya sa akin





Tindahan ni lolo’y di ko malilimutan


Na kahit na malayo’y aming pinupuntahan


San’ tambak na gatas aming pinagtripan


Ito nga kasi’y kalakasan sa ‘ming katawan





At itong si Beardugo, sa kanya’y nagtampo


Ininis nya kasi ito ng todo-todo


Ang wika nya kasi’y si Beardugo’y negro


Kaya’t sa akin, sya’y humingi ng payo.





Ang katotohana’y biro lang ito


Pagkat alam kong mabait si Bear 2!


Sa katunaya’y naramdaman ko,


Na kami ni Beardugo'y mahal nya'ng totoo.


1 comment:

Chernie said...

Ang makitang nahihirapan ka ay kasiyahan ko...
ito'y biro lamang wika ng kaibigan mong oso...
Ang makita kang mapagod ay di ko gusto,
ikaw ay mahalaga sakin yan ang totoo...
tunay na kaibigan kayong dalawa,
kahit kailan ay di mananawa.