Monday, October 13, 2008

Sining Ngayon: Pangit o Kaakit-akit?

Dati ang lahat ay kaayaaya,
Walang kapintasan, ni karumihan
Subalit ito'y biglang nadungisan;
Kasalanan kasi dumating sa sangkatauhan.

Ang sining ng Dios ay di nakakasawa
Subalit ang sa tao'y nakakasuya.
Nagbibigay aral ang Kanyang nilikha,
Ngunit ang sa tao'y pangit na halimbawa.

Ano ngayon ang ginagawa ng sining sa madla?
Mga bagong simbolo saan kaya nagmula?
Mga lapis, papel at makukulay na pintura,
Ano nga bang binubuo nila?

Mga hubad na larawan, ngayon ay talamak na.
Pita ng laman ay inuudyok nila.
Mga pintor na kilala, ito'y ipinipinta,
Kaya dumadami at naipiprisinta.

Musika naman ay di nagpahuli,
Mga bastos na linya ay laging kasali.
Tunog na kakaiba, ingay ang dala;
Sa mga titik at nota, dyablo ang sinasamba.

Mga inuukit at nilililok na larawan,
Tinuturing na diyos ng karamihan.
Dinadamitan at hinahalikan,
Akala nila'y may kapangyarihan.

Sirang-sira na nga, sining na Dios ang nagbigay.
Ginagamit kasi sa walang kwentang bagay.
Dapat ang Dios ang nabibigyang kapurihan,
Ngunit sa isip ng tao'y kapalaluan.

Nasaan na ang sining na galing sa Kanya?
Makikita pa ba ito at maiaayos?
May magagawa ka ba anak ng Dios,
Sa sining na di makagulapos?

Ang aking panukala'y nais kong ibahagi.
Mga aral sa aking isipan na laging sumasagi.
Ako'y naniniwala na tayo 'y may magagawa;
Kung ating gagamitin, natanggap na biyaya.

Sa ating pagguhit at pagsulat ng mga titik;
Sa ating pag-ukit at paglikha ng awit;
Alalahanin natin, Ama natin sa langit,
Nang ang anumang likhain ay maging kaakit-akit.

- joemar caparas

Friday, July 11, 2008

Mensahe ni Joi para kay Birthday Boy


Pagkaing kakaiba, iyan ang hanap nila

Ngunit turon saki'y nagpapasaya na.

Kaya nga naman sa 'king kaarawan,

Turon ang pangunahin sa hapag kainan.


Bago dumating espesyal kong araw

Cellphone ko'y biglang umalingaw-ngaw

Oo, may mensahe nga!

Mula sa kaibigang makata.


Sa aking pagtingin, ako'y nagulat

Paborito kong pagkain kanyang isinulat

Talaga nga naman at pinag-isipan

Nang ang bati ay di maging karaniwan


"Nagmula sa saging at masarap kainin,

Murang bilhin at madaling nguyain

Yan ang turon! Paboritong pagkain,, - ni Kuya Jom".


Salamat kay Joi na syang nagbigay

Mensaheng kakaiba na saki'y nagpaligaya

Pangalan nga nya sa kanya'y nababagay

Nagbibigay ngiti sa mga mahal nya sa buhay


Friday, May 16, 2008

Pakner, Wardspeak na tayo Ah!!

Ang mundo nga'y puno na ng pagbabago
Teknolohiya, pagkain at itsura ng tao.
Ngunit ang salita'y di rin nagpatalo,
Ang mga ito'y pasok din sa uso.

Doon sa aming baryo ay napansin ko,
May mga salitang di maunawaan ng lolo;
Kasi nga naman ito ay bago,
At nilikha ng ibat'-ibang grupo.

Silipin natin ang mga bagay-bagay
Upang maintindihan aking tinatalakay,
Sisimulan ko't ikaw ay sumabay
Pagkukumento ay sa huli mo ibigay.

Ako ay may nakitang mag-irog sa daan,
Ang sabi ng iba, uy! magshota yan.
Magjowa naman sabat ng bakla
Na ang bansag sa sarili ay jokla.

Ngayon ang kwentuhan ay naging chikahan
Chukchakchenis, ano ba yan? di ko maintindihan.
Japorms daw ang porma ng makabagong kabataan
Uy, repapis! sang-ayon ka ba dyan?

Jiahe kasi pag di naging maayos,
Sige, tawagin mo na lang akong jologs.
Alam ko naman na ito'y di corny,
Bacause my poem is quite so funny.

Totoo naman kasi aking sinasabi
Kaya si erpat at ermat di makaintindi.
Bakit di mo ituro makabagong lengguwahe?
Sekreto mo kasi baka nila mahuli... hehehe..

Di ba't sinasabi ko'y di naman charing?
At siguradong di ako praning.
At mas lalong di ako bading,
At di ko rin nais na ikaw ay ibuking.

Oopps, teka lang! tomjones na ako;
Mga tabulats sa tiyan ko'y nagtatalo-talo.
O paano, chichicha na ako,
Kita-kits na lang po... Baboo!

Sasalihang Tunggalian: Maipanalo Kaya?

Nakakita ka na ba ng pilay na sumali sa takbuhan na ang mga katunggali ay may maliliksing mga paa at mga binti? Napahintulutan na kaya ang isang bulag na lumahok sa karera ng sasakyan? O ang isang pipi na makipagbalagtasan sa may dilang matatas?

Oo, nakakatawa kung iisipin na ang hindi normal ay lumahok sa tunggalian ng mga normal. Hahaha! Nakatatawa talaga! Kung sakaling mayroon man, ikaw ay sasang-ayon na sya’y di magwawagi.

Nais ko sanang lumahok sa isang paligsahan. Isang paligsahan na ang karalangang makakamit ay hindi tropeo, medalya o ano man. Ang syang magwawagi ay makakamit ang pag-ibig ng prinsesang may taglay na kakaibang kagandahan.

Ngunit hindi sa hinahamak ko ang aking sarili, ang akin lamang ay maipakita ang katotohanan, ang katotohanang ang aking mga katunggali ay batikan na sa ganitong larangan. Sila ay lamang sa akin sa maraming mga bagay. Hindi ko maikukubling ang karanasan nila ay mas lalong magdidiin sa akin sa kasawian.

Nakalulungkot man ang aking kalagayan ngunit kailangang kong ilaban ang aking karapatan. Nais kong makamit ang tunay kong pag-ibig. At gagawin kong sumagwan kahit ang mga katunggali ay may kanya kanyang barko. Sa saranggola ako ay sasakay kahit sila ay may eroplano. Ang tanging hangad ko lang ay marating ang hangganan at mapagtagumpayan ang aking ipinaglalaban.

Isang pabula ang sa aki’y nagpalakas. Isang kwento ng kahinaan ngunit sa huli ay nagsilbing kalakasan. Ang kwento ni koneho at ni pagong. Hindi ba’t napakainam na halimba yan?

Ako man ay pagong kung maituturing, maaari pa ring magwagi kung pagtitiyaga at determinasyon ay aking paiiralin. Oo, sila nga ay mga kuneho at mabilis magsitakbo, ngunit may pag-asa parin ang isang pagong sa hatol ng prinsesang may kabaiitan sa kanyang puso.

Wednesday, April 23, 2008

"Ang Awit Na Di Tapos"

Sa 'king puso ay may kakaibang pintig,
Tila may tinutugtog na bagong himig;
Aking naririnig awit ng pag-ibig,
Na nagpaalab sa damdaming nanlamig.

Mga titik at mga nota'y iba ang ayos;
Wari ang kanta ay di matapos tapos.
Sinusubukang ito ay maiayos;
Ngunit kakayahan ko'y tunay na kapos.

Madaming sumubok na siya'y awitin;
Ngunit di naglaon, sila'y sumuko rin.
Awit ay naghihintay na sya'y kantahin;
Ako nama'y takot na magkamali rin.

Awit na ito'y saki'y di umaalis,
Sa 'king isipa'y parang nagpupumilit.
Tulad ng bata na laging nagngingisngis;
Kaligayahang nais, gustong makamit.

Ako ay mahina di tulad ng iba,
Ngunit gagawin lahat ng makakaya.
Hiling ko lamang, awit di mag-apura;
Nang mailapat ko, tamang titik at nota.

Tuesday, April 8, 2008

ang tula ni bear1 kay bear2



“Ang makitang nahihirapan ka ay kasiyahan ko”


Ito ang wika sa akin ng kaibigan kong oso


Di ko alam kung biro lang ito


Ang mahalaga sa akin, sya’y nagpakatotoo





Kahit ako’y mapagod ay aking gagawin


Ang paglingkuran sya kahit ako’y hingalin


Ang kaligayahan nya’y kaligayahan ko rin


Pagkat kaibigang tunay sya sa akin





Tindahan ni lolo’y di ko malilimutan


Na kahit na malayo’y aming pinupuntahan


San’ tambak na gatas aming pinagtripan


Ito nga kasi’y kalakasan sa ‘ming katawan





At itong si Beardugo, sa kanya’y nagtampo


Ininis nya kasi ito ng todo-todo


Ang wika nya kasi’y si Beardugo’y negro


Kaya’t sa akin, sya’y humingi ng payo.





Ang katotohana’y biro lang ito


Pagkat alam kong mabait si Bear 2!


Sa katunaya’y naramdaman ko,


Na kami ni Beardugo'y mahal nya'ng totoo.


Monday, April 7, 2008

Mission Trip Poem

Pagmimisyon sa Aurora

(Marso 24 – Abril 05, 2008)

I

Dalawang linggong pagmimisyon aming sisimulan,

Lalawigan ng Aurora aming pupuntahan,

Panibagong pamumuhay aming mararanasan,

Di lingid na mahirap ngunit aming susubukan.

II

Lunes ng hapon kami ay yumaon,

Bitbit nami’y damit at gamit pangmisyon,

Pag-ibig ni Hesus ang pangunahing baon,

Aming ibabahagi sa mga dadatnan doon.

III

Sa Cabanatuan tumigil panandali,

Doon na pinalipas ang buo naming gabi,

Pagkasikat ng araw lumisan na kami,

Sa bus na masikip pinagkasya ang sarili.

IV

Ito na’t umpisa na, araw ay mataas na,

Ang bus na D’ Liner, puno rin ng paninda,

At kami nama’y tila baga turista,

Sa mala-pulbong alikabok, nagpopose pa!

V

Ang aming pagbibiyahe’y puno ng istorya

Sa liku – likong daan, ang bus, rumatsada na,

Tingin sa labas, hawak ay camera,

Ang luntiang bundok, ‘parang ipininta!

VI

Sa ‘di kalauna’y naiba ang timpla,

Mga kasama ko, gutom na pala,

‘di makatiis, sa stop over kumain na,

Noodles, tinapay,mangga, sa tiya’y pinagkasya.

VII

Batid namin ang hirap ng paglalakbay

Sa mga bundok at bangin

‘parang nag – aagaw – buhay!

Namumutla sa takot si Harvie at si Dinah. J

VIII

……at si joemar ay natulog, bibig nakanganga,

Alikabok sa daan, kanyang nahihinga,

Kanyang salamin, nagkandalaglag pa,

Bangin na malalim, pa’no na makikita?

IX

Sa paglalakbay na ito, kami’y nakabuo,

‘galing kay chernie, makabagong diksyunaryo,

Mga salita, terminolohiyang misyonero?

Iba ang bigkas, ‘pagkat sya’y di Pilipino.

X

Ang Dinalungan na aming hantungan

Sa wakas ay narating din ng bus na sinakyan

Dalawampung oras na byahe, ito’y natuldukan

Ipinahinga muna pagod na katawan

XI

Mga libag namin ay makapal na ngang tunay

Nais naming alisin alikabok na sumalakay

Sa patubig na malamig naligo ng sabay-sabay

Dumi at baho tubig ang tumangay

XII

Unang gabi ay amin nang namalas

Si Jam at si Cris humimlay sa labas

Mga tono ng hilik ay kaytataas

Mga lamok tuloy ay nangagsilayas

XIII

Sa pagdating ng kinaumagahan

Sinimulang gawin ang mga dapat gampanan

Mga tahanan sa paligid isa-isang pinuntahan

Pakay nami’y inihayag at sila’y inimbitahan

XIV

Ang buong maghapo’y aming sinulit

Sa paghahanda ng aralin at iba pang gamit

Kami ay magtuturo sa mga batang maliliit

Salita ng Dios sa puso nila’y ikakabit

XV

Sa pagdating ng agahan, tanghalian at hapunan

Kami ay nabubusog sa pagkaing pinagsasaluhan

Ang naghahanda ay syang may kaalaman

Pagkat tahanang tuluyan ay malayo sa pamilihan

XVI

Kapag pagkain sa amin ay kapos

Si Ronald nga ang sya naming sagot

Pangangaso ay kanyang pinapatos

Sa pagbabalik, mais na matigas ang inaabot

XVII

Sinimulan na namin ang pagtuturo sa mga bata

Di namin inasahan na sila ay daragsa

Nakatutuwa ang sila nga’y makita

Dahil si Jesus, mahal silang talaga!

XVIII

Di na kami tinantanan ng iba sa kanila

Si Pastor Olan nagsilbi nilang barkada

Kahit san’ pumunta sila na ay sama-sama

Papaya sa bakuran nilantakan nila

XIX

Mga bata’y ipinamalas kakaibang gilas

Kamoteng kahoy ay nagmistulang bigas

Hapunan namin nilupak na magatas

Sa amin nga nama’y mas lalong nagpalakas

XX

Ang mga kabataan ay amin ding tinuruan

Tumugtog ng instrumento sa madaling paraan

Keyboard na di ginagamit ay muling binuksan

Ang paggigitara din naman ay pinag-aralan.
XXI

Mga lasing na kapitbahay sa ‘mi’y bumisita,

Tila tumutulong, nagpapapansin lang pala,

Pinuno namin kinausap nila,

Pakay pala nila sa amin ay makikanta.

XXII

Sa pagsapit naman ng katanghalian

Halo-halo sa barangay aming pinagtripan

Hanap ay sarap sa aming lalamunan

Tag-init kasi ay nararamdaman

XXIII

Sabado ng umaga ay sinimulan na

Pagtatapos ng mga mababait naming alaga

Higit sa apatnapu ang bilang nila

Kanilang pinasigla ang buong programa

XXIV

Kinahapuna’y kami nagpakasaya

Ang mga bata’y pinaglaro sa gilid ng kapilya

Hinati sa tatlo ang grupo nila

Mga alaga ni Chernie ang silang nanguna.

XXV

Sa aming huling gabi sa unang hantungan

Pinahuli sa amin manok sa bakuran

Isang linggong gulay ang tinikman

Kaya nga naman sa karne ay naligayahan.

XXVI

Doon na rin kami sumamba ng Linggo

Ang nagsermon sa ‘mi’y si Apolinario

Unang pagkakataon sa buhay Nya ito,

Kaya nga siguro humaba ng medyo.

XXVII

Aming nilisan bayan ng Dinalungan

Di maikakaila lungkot na naramdaman,

Mga batang aming iniwan,

Kailan kaya mababalikan? (ahuh…-boss olan,..)

XXVIII

Kalahating oras kami’y naglakbay

Sa D’ Liner ulit kami ay sumakay,

Sa Casiguran ay may bagong bahay

Na sa amin ay naghihintay.

XXIX

Sa pagdating sa bagong tahanan

Dagat agad ay pinuntahan

Aming pinaglaruan hayop sa buhanginan

Si Ptr Dave naman pasimuno sa kabulastugan

XXX

Sa bahay ni Pastor Rosal ay mayroong natuklasan

Tubig na inumi’y sa buhangin hinuhugasan

Kalawang ng poso sa kanilang bakuran

Sa salaan ay natatanggal at naiiwan.

XXXI

Ang aming paliguan ngayon ay sa batisan

Ang dating tampisawan ay amin nang kinalimutan

Pag-iigib ang sya ngayong gagampanan

Upang magkalaman aming mga tapayan

XXXII

Tatlong kilometro aming nilalakad

Upang mga bata aming maturuan

O kay dami nga naman, higit sa isang daan

Sila’y dumarating umaraw man o umulan

XXXIII

Di malilimutan ang kami ay masugatan

Dahil sa layo ng patutunguhan

Binabagtas nami’y ilog at kabundukan

Sa amin di’y kumukapit alikabok sa daan

XXXIV

At dito sa malayong probinsya

Si Chernie’y, natutong maglaba

Pinagkainan din ay iniuurong nya

Oo, sya nga’y tunay na misyonera na!

XXXV

At si Kyle na kunwari’y gwapo

Mga dalagita’y nagkagulo-gulo

Na kahit si Harvei’y tuksong-tukso

Sa paghawak ng kamay sya’y kinilig ng todo!

XXXVI

DVBS nga naman ay kay sigla

Mga batang mababait pinuno ang kapilya

Mga aral nami’y laging baon nila

Nawa’y sa paglaki, ito’y kanilang maalala

XXXVII

Sa kanilang meryenda, juice noong una

Ngunit sa paligid ay may mga buko pala

Kaya’t itong si Cris ay umakyat na

Kahit sumasakit ang sugat sa paa.

XXXVIII

Estudyante ni ate Dinah ay nabubog sa kalsada

Mga gamot na kailangan si Cris din ang may dala

Kaya’t paa ng bata, kanyang ginamot na

Di lang misyonero doktor din pala

XXXIX

Sa aming pagtawid doon sa batisan

Sa likuran ni Joms si Cris ay pumapasan

Mabasa ang sugat kanyang iniiwasan

Nang ito nga nama’y maghilom ng lubusan

XL

Sa wakas ay natapos din ang lahat ng aralin

Napawi na din lahat ng alalahanin

Kayat sa pagbalik ay nagmatulin

Upang dagat ay aming languyin

XLI

Bahay na lumulutang aming sinakyan

Sa gitna ng dagat ay nagsilbing panuluyan

Si harvey naman nagdala ng kanyang duyan

Tila sumasabay sa mga along nagsasayawan

XLII

Sayang at di nakasama si Don at si Dinah

Huwebes palang kasi, sila ay umalis na

Amin nalang ikukuwento sa kanilang dalawa

Mga pangyayaring di na sila nakasama

XLIII

At sa huling araw din naghanda ng sorpresa

Kaarawan ni Ptr. Rodel kalilipas lang pala

Hangad nga nami’y mabigyan sya ng saya

Bago namin lisanin lalawigan ng Aurora

XLIV

Ito na ang huling gabi na kami’y sama-sama

Bukas ay uuwi na sa kanya-kanyang pamilya

Ang Dios nga naman sa ami’y sumama

Pagpapala Nya sa ami’y tunay na sagana

XLV

Ang aming panalangin sa aming paglisan

Mga turo namin wag nawang kalimutan

Hangad din namin na sila’y mabalikan

Pagkakataong ito’y, Dios ang nakaaalam

XLVI

Kami ay nakabalik na sa aming tahanan

Sa aming mga puso’y Dios ang pinapupurihan

Kakaibang ministeryo nga, aming naranasan

Sa aming buong buhay di ito malilimutan!

- joemar caparas (NFPB leader)