Friday, August 17, 2007

IKAW AY TUNAY

Words and music: Joemar Caparas
Interpretation: Crystal Mendoza


Sa kabila ng pandaraya nitong mundo
Pananalig ko Sayo’y di magbabago
Ang sandigan ko ay ang pangako mo
Na kailanman ay di mo binigo

Sabihin man ng iba, Ika’y di tunay
Ang buhay ko Sayo parin iaalay
Sapagkat ika’y aking nararanasan
Ako’y binigyan mo ng kapayapaan

Kaya’t Sayo lamang, ako’y maglilingkod
Ang himig at ang tinig ko
Sayo lamang ihahandog

Chorus:

Pagkat Ikaw ay tunay
Sa Iyo’y wala ng papantay
Ang Iyong kaluwalhatian
At karangalan ay di kayang tumbasan
At wala na ngang makahihigit
Sa pag-ibig na di mo pinagkait
O kaybuti mo Hesus sa akin.

No comments: