Friday, August 17, 2007

Wala Nang Hahanapin Pa

Words: Ava Mendoza
Music: Joemar Caparas
Interpretation: Crystal Mendoza



Sa mga oras na nag-iisa
Lungkot aking nadarama
Sa lumalabo kong pag-asa
Liwanag Iyong pinakita

Kay dami-daming hinahanap
Na di ko matagpuan
Pagmamahal na inaasam
Sa piling Mo’y aking nakamtan

Chorus:

Saan ko pa matatagpuan
Kalingang walang papantay?
Kanino pa mararanasan
Pagmamahal na tunay?
Kagalakang dulot mo
Di mabibigay ng kahit sino
Buhay na walang hanggan
Higit pa sa kayamanan

Bridge:

Ikaw, sa buhay ko’y gumagabay
Wala ng hahanapin pang iba
Dahil Ika’y nadarama
Puso ko’y panatag na

No comments: